Nguni’t parating na ang wakas ng lahat ng bagay – 1 Peter 4:7-8
Nilo del Mundo
Nguni’t parating na ang wakas ng lahat ng bagay: kayo nga’y magpakatino, at magbantay na may pananalangin: At higit sa lahat ay pakaibigin ninyo ang bawa’t isa; sapagka’t ang pagibig ay magtatakip ng napakaraming kasalanan: (1 Peter 4:7-8) Sa akin pong pinag-aralang opinyon, ang pangungusap na nasa itaas ay ang siyang wastong salin ng KJB na nagsasabing: But the end of all things is at hand: be ye therefore sober, and watch unto prayer.
And above all things have fervent charity among yourselves: for charity shall cover the multitude of sins. (1 Peter 4:7-8) Ganito ang pagkakasalin sa Ang Tagalog Biblia Nguni’t ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga’y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin: Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka’t ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan: (1 Peter 4:7-8) Ang salitang “at hand”, ay maaaring mangahulugan na ang isang bagay ay malapit na, subalit mayroon naming mas eksaktong salita na ginamit ang KJB na nagsasabi kung malapit na ang isang bagay, ito ay ang salitang “draweth nigh” na ang ibig sabihin ay “malapit na”, kagaya ng pagkakagamit nito sa James 5:8.
Mas akma ang “parating na” sa halip na “malapit na” dahil ang tinutukoy ni Pedro ay hindi ang kakaunting panahon kundi ang kasiguruhan ng panahon, na Siya ay darating na. Ang susunod ay ang salitang “sober” na isinalin sa wikang “mangagpakahinahon” ngunit para sa akin ay dapat isalin na “magpakatino”. Kung ihahambing natin ang isang lasing (drunk) at ang isang hindi lasing, makakakita tayo ng lasing subalit mahinahon, pero di tayo makakakita ng lasing na napakatino.
Kaya nga sabi sa Prov. 31:6 ay bigyan ng alak ang handa ng pumanaw. Bakit? Upang siyang maging mahinahon sa kanyang kalasingan habang siya’y pumapanaw na. Ang salitang “watch” ay isinalin na magpuyat, subalit sa tingin ko ay mas tama ang “pagbabantay”. Ang pagiging maningas sa pag-iibigan, na ginawang kahulugan ng “And above all things have fervent charity among yourselves” ay mas magandang isalin sa Tagalog na “pakaibigin ninyo ang bawa’t isa.”
Pang-huli, ang salin sa Tagalog na, “nagtatakip ng karamihang kasalanan:” galing sa Ingles na “shall cover the multitude of sins” ay hindi tama, sapagkat ang kapag sinabi mong “nagtatakip” ang katumbas nito ay “is covering” kaya kapag sinabing “shall cover” ay dapat isalin itong “magtatakip” At ano ang tatakpan, “karamihan” lang ba o “napakaraming” kasalanan? “The multitude of sins” ay dapat isalin na “napakarami” dahil kapag sinabi mong “karamihan” ito ay “most sins” Sinasabi ng talata na “parating na ang wakas ng lahat ng bagay:”
Ano ba ang nasa paligid ni Pedro ng kanyang winika ang mga katagang ito? Ang mga Hudyo noon ay nasasakop ng Roma. Gustong maghimagsik ng mga naaapi, tinutugis ang mga Kristiyano, ginagawang kandila sa daan tungo sa palasyo ni Caesar. Kaya dahil dama nila ang nalalapit na katapusan ng buhay, maaaring pinapanalangin nila na matapos na ang lahat ng kahirapan. At sana ay dumating na ang kanilang Panginoon. Napakarami ring nangyayaring kakaiba sa mundo. Masyadong malakas ang pagkilos ng masasamang espiritu, subalit malakas din ang pagkilos ng Panginoon (Acts 19:12) at mga Anghel, laban sa masamang espiritu sa pamamagitan nila bilang Apostol. the mockers and haters of Christ, the depravity of human sensuality, the false teachers in the church, the spiritual activity of demons, the angelic activity, the visions, signs and wonders from God in helping them even without the physical presence of Christ.
Kabi-kabila ang bumabatikos sa kanilang aral, mula sa mga pagano, at pati na sa mga Hudyo. Patuloy ang kanilang pamumusong sa Banal na Pangalan ni Kristo Hesus at ito ay nabanggit sa mga hula na tanda ng parating na paghuhukom sa sanlibutan. May mga nagpapanggap na sila si Kristo at mula sa kanilang sariling mga mangangaral at kapatiran ay may mga abusado at taliwas ang doktrina kaya’t malaking dagok sa gawain ng Panginoong Diyos. Kung tayo ay nabuhay sa panahon ni Pedro, maaaring mapasigaw din tayo “parating na ang wakas ng lahat ng bagay” Subalit, matagal na ang panahon na iyon ni Pedro, ay di pa din bumalik ang ating Panginoon.
Sinabi niyang parating na ang wakas, subalit kalian kaya ito dadating? Winika ng ating mahal na Hesus na di dapat tayong magsalita ukol sa araw o oras ng Kanyang pagdating, subalit maging handa lamang. Ang ating paghahanda ay lalong higit na may bigat sa ating isipan dahil kung noong dalawang libong taon na ang nakakaraan ay parating na, ay di lalo namang masasabi natin na malapit na ang pagdating ni Kristo, ngayong 2013.