Magingat sa patibong

1. Ano ang tawag mo sa isang kasangkapan na may pain, may panali na unti-unti at hindi mo mahahalatang humihigpit at malalaman mo na lamang na nakagapos ka na? ANSWER: BITAG

2. NABITAG KA NA BA? Luke 21:33-36 (33) Heaven and earth shall pass away: but my words shall not pass away. (34) And take heed to yourselves, lest at any time your hearts be overcharged with surfeiting, and drunkenness, and cares of this life, and so that day come upon you unawares. (35) For as a snare shall it come on all them that dwell on the face of the whole earth. (36) Watch ye therefore, and pray always, that ye may be accounted worthy to escape all these things that shall come to pass, and to stand before the Son of man.

 

TITLE: MAGINGAT SA PATIBONG

 

Ang wala kay Kristo ay nasa loob ng isang kumunoy Ang mga na kay Kristo ay nakawala na sa kumunoy Ang na kay Kristo ay maaari pa ring ma SILO Maaaring mayroon sa ating nasa loob ng isang bitag ngayon Maaaring sumisimba, naglilingkod ang isang tao sa Diyos, pero nasa loob pa din siya nang isang bitag. Di niya namamalayan na kinuha na nahumaling na siya sa PAIN, at malapit ng sumara ang tali.

1. LAHAT NG PAHAYAG NA ITO AY DI SASALA a. V. 33 – isang garantiya na ang sinabi niya ay siguradong mangyayari b. Itaga mo sa bato

2. ALIN ANG SIGURADO? a. Ang mga hula b. Ang mga babala

3. ANO ANG BABALA? Luke 21:34-36 (34) Datapuwa’t mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga ALALAHANIN ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na DI NINYO NAMAMALAYAN; (35) Sapagka’t PARANG SILO darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng mundo.

a. MAG-INGAT na malugmok ang puso sa katakawan

b. MAG-INGAT na malugmok ang puso sa kalasingan c. MAG-INGAT na malugmok ang puso sa alalahanin sa buhay na ito

4. PAANO ANG GAGAWAIN PARA HINDI MASILO (36) Datapuwa’t MAGMASID kayo sa bawa’t panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao. Sa pagiging mapagmasid, ikaw ay makakaiwas sa patibong

5. PAANO ANG GAGAWAIN KUNG IKAW AY NABIHAG NA (36) Datapuwa’t mangagpuyat kayo sa bawa’t panahon, na MANGAGSIDAING, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao. Sa pananalangin, ikaw ay makakawala sa patibong, sa biyaya ng DIYOS.

EXPOSITION: ANO ANG MGA BAGAY NA NAKASILO SA MGA MANANAMPALATAYA

a. MAG-INGAT na malugmok ang puso sa katakawan

b. MAG-INGAT na malugmok ang puso sa kalasingan

c. MAG-INGAT na malugmok ang puso sa alalahanin sa buhay na ito Matakaw sa: Pagkain Laro TV Sex Pera Katatawanan Kapangyarihan Papuri Droga alak Isang bagay ang maging MATAKAW Isa ring bagay ang MALUGMOK ang puso sa katakawan Ano ang pagkakaiba? Matakaw k aba? Lugmok ka ba sa katakawan?

ANO NAMAN ANG KAIBAHAN NG LASING, SA MANGLALASING?

Sugapa o Adik sa alak, hinahanap hanap, di mapakali kapag hindi lasing, mas madalas lasing kaysa matino. BAKA NAMAN MAYROON SA ATIN NA LUGMOK ANG PUSO SA MGA ALALAHANIN SA BUHAY NA ITO Meron ba? NAKA lugmok ang iyong puso sa mga ALALAHANIN ukol sa buhay na ito, Ano ang mga ALALAHANIN UKOL SA BUHAY NA ITO?

TRABAHO PAMILYA Barkada Pagtitipid Pagpupundar Maayos na bahay Edukasyon ng mga anak Magandang samahan Pag abante sa karunungan Pagdami ng tiga hanga at LUMILIPAS ANG MGA ARAW, maligamgam ang iyong pag-ibig, maligamgam ang iyong paglilingkod, pagbibigay, paghahayo, buhay panalangin, pag-aaral ukol kay Kristo, hanggang sa baka dumating na bigla sa iyo ang araw ng Panginoon na DI mo NAMAMALAYAN; KAPATID, huwag mong isipin na SILA yon, o si kapatid na …. Yon, sana andito sya, …. Isipin mo ang iyong sariling katatayuan sa harap ng DIYOS