LIBRENG KALIGTASAN
PARA SA MGA
MAKASALANAN
ANO MASASABI MO?
Hindi ba’t mabuting balita yan?
Hindi mo pala pagtatrabahuhan ang kaligtasan para makakuha ng buhay na walang hanggan at mapunta sa kalangitan; Dahil si Kristo na ang nagbayad ng lahat para sa mga walang kakayanan, mga makasalanan.
Kung ikaw ay makasalananan, binayaran na ni Kristo ang atraso mo sa Diyos, lahat lahat, wala ni isang natira na balanse na sisingilin sa iyo ng Diyos.
Makasalanan ka ba?
Basahin mo ulit ang I Cor. 15:1-2
Tinatanggap mo ba ang mabuting balita na yan?
Tinatanggap mo ba na si Kristo ay namatay para ikaw ay hindi na mamatay at parusahan ng Diyos?
Tinatanggap mo ba na hindi mo na kailangan ng relihiyon, mabuting gawa, para makabawi at mapawi ang iyong mga masasamang ginawa laban sa Diyos?
Ano ang sabi ng Kasulatan? Kapag daw tinanggap mo ang mabuting balita, kapag tinindigan mo yan, ikaw ay ano na? …….. LIGTAS …. SAVED
Ano na ang masasabi mo sa iyong kaluluwa ngayon?
May nabago ba sa isip mo tungkol sa mga bagay na espiritwal?
Kinausap ka ba ng Panginoon?
May itinuro ba si Kristo sa iyo ngayon, sa pag-uusap natin?
LIGTAS KA NA BA?
“LIGTAS KA NA BA SA KAPAHAMAKAN NA DADATING?”
Alam mo ba kung anong panganib ang naghihintay sa iyo kung hindi ka maliligtas habang ikaw ay nabubuhay pa?
Ang kahihinatnan ng mga hindi ligtas ay nakasaad sa 2 Thes. 2:10,12
2 Thessalonians 2:10-12
(10) At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka’t hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas.
(11) At dahil dito’y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
(12) Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.
TANONG KO SA IYO:
Paano mo mai-sasalba ang sarili mo sa darating na galit ng Diyos sa mga makasalanan?
PUEDENG MALAMAN YAN
Basahin mo ang I Cor. 15:1-2
Pag aralan mo ang salitang SAVED or LIGTAS NA.
Alam natin na magkaiba ang salitang “maliligtas” sa “ligtas na”. May mga taong umaasang maliligtas pa lamang at mayron ding alam na nila na sila ay ligtas na.
Ang mga sinulatan sa I Cor. 15:1-2 ay mga LIGTAS NA habang sila ay buhay pa. Paano nila nalaman na sila ay ligtas na? Paano nga ba malalaman?
Ang ordinaryong sagot ng tao dyan, magpaka-linis magpaka-bait, at maging tapat kay Kristo. At kung pag sisikapan natin yan hanggang sa wakas ng buhay, makakasigurado din tayo sa kaligtasan.
Yan ba ang nasa isip mo din?
Basahin mo ang Eph. 2:8-9
Ang kausap ay mga LIGTAS NA di ba?
Paano daw sila naging LIGTAS NA? Pinagsikapan ba nila? Gumawa ba sila ng mga mabubuting gawa para maligtas? Ito daw ay sa biyaya. Samakatwid, libre, walang bayad ang kaligtasan, ibinibigay ito ng Diyos na hindi Niya tinitingnan ang gawa ng tao.